Tingin sa Tingi: Mga Obserbasyon sa Bisyon at Bisyo ng Pinoy 

Tinatanaw ni Lamberto E. Antonio ang Tingin sa Tingi: Mga Obserbasyon sa Bisyon at Bisyo ng Pinoy bilang mapitagang pagpagitan sa pagsulat ng tula at kuwento, sa pangatlong pagkakataon.  Tulad ng nalathala niyang Doble Tres, Doble Uno (2013) atAklat ng Ulat (2011), humuhulagpos sa tradisyonal na pakahulugan ng sanaysay ang kasalukuyang katipunan, ang mga seleksiyon ay malikhain at mapanuring “nagsasanay” tumugon sa pangangailangang mas mapatalas ang talastasan.  Bukod sa pagiging “ensayista” (sanaysayista/essayist), makata at mangangatha, isa ring mandudulang pampelikula, tagasalin, at editor, si Antonio ay tumanggap ng maraming gantimpala at gawad.

Inilathala 2014.

₱335.00
Author: 
Lamberto E. Antonio
Category: 
Weight: 
0.248 kg
ISBN: 
9789715507028
Imprint: 
AUP Imprint