Teorya ng Unang Panahon (Tomo 3 ng Trilohiya ng mga Bilang)

Narito ang tatlong tauhan: si Yannis, si X-XIII, at si Hans. Nabubuhay sila sa magkakaibang mundo. Nawala si Yannis matapos niyang ipakita sa kapatid at ama ang isang mahiwagang dice na pinangalanan niyang ngilag. Naghahanda naman si X-XIII para sa isang pagsusulit—habang sampung taong nakakulong sa isang silid—para maging karapat-dapat siyang maglingkod sa Sistema. Gumagawa naman ng sulat ang isang malatao para sa isang nagngangalang Hans, tungkol sa pananaginip niya sa isang mundong walang panaginip. Nagsasalitan ang kuwento ng tatlo bago maganap ang Isang Pangyayari sa gitna ng nobela kung saan dumaranas ng epidemya ng Lungkot ang mga tadiwa, ang mga nilalang na magkahalo nang tao at diwata, na nabuo matapos isalba ng mga diwata ang mga tao sa pagkalipol sa dulo ng Panahon ng Daigdig. Pagkatapos ng Isang Pangyayari at nagsasalimbayang mga teorya ng mga panahon, saka lang natin mababalikan ang mga mundo nina Yannis, X-XIII, at Hans na siyempre’y hindi na maaaring maging tulad ng dati.

₱450.00
Author: 
Edgar Calabia Samar
Category: 
Weight: 
0.5 kg
ISBN: 
9786214482887
Imprint: 
Bughaw
Format: 
Print
Language: 
Filipino