Sa Mil Flores, May Isang Hostes at iba pang kuwento

 

Malawak ang daigdig na nilikha ni Rosario de Guzman-Lingat sa antolohiyang ito. Malaki ang bilang ng mga tauhan ang maguni-guni niyang inilarawan, ang kani-kanilang kakanyahan at kasalimuotan ay buong ingat niyang inilatag.  Magkakaiba ang tono at punto de bista ng mga akda-pangkalahatang seryoso at matiim, manaka-nakang ironiko, paminsan-minsang nagbibiro-na pinasukan ng mga bahaging madamdamin at makapangyarihan.  Mga aktuwal na pangyayari sa lipunan, sa ikaanim at ikapitong dekada, na may matitinding epekto sa mahihirap at maging sa gitnang uri, ang ginamit niyang mahalagang konteksto at aktibong bahagi ng kanyang panitikan.

Hindi maitatatwa na ang bawat pagbasa ay isang pakikipagtagpo sa isang mahusay na manunulat na nagtataglay ng isa sa pinakamalikhaing imahinasyon at malalim na pang-unawa sa kahulugan ng buhay na nakalubog sa mga espesipidad ng karanasang pamilyar sa nakararami.  Sa pagsisikap ng mambabasa na unawain ang sining ni Rosario de Guzman-Lingat, maaaring maunawaan niya ang kasalimuotan ng kanyang sariling buhay.

Published in 2015.

₱445.00
Author: 
Rosario de Guzman-Lingat
Category: 
Weight: 
0.33 kg
ISBN: 
9789715507189
Imprint: 
AUP Imprint
Language: 
Filipino