Noli Me Tangere: Nobelang Tagalog ni Jose Rizal 1886 (Edisyong Panghayskul)

Kung Hay-skul kaPara sa ‘yo ‘to.

Edisyong Panghayskul ang tawag namin dito kasi dinisenyo namin ito para bumagay
sa iyo.
Tingnan mo...

SIMPLE ANG MGA SALITA.
Para mas madali mong maintindihan at magustuhan.
Ang astig kasi ng mga sinulat ni Rizal.
Sayang kung hindi umabot sa iyo.

KUMPLETO PERO MAIKLI.
Bakit? Para kaya mong tapusin ang buong nobela.
Para mabasa mo pa rin lahat ng nakatagong patawa, katarayan, at kabastusan ni Rizal.
Iba pa rin kapag nabasa mo talaga yung buo at hindi puro buod.

MAY MGA DROWING.
Sa totoo lang, mas masaya naman talaga kung may drowing kahit mga librong
“pangmatanda”.
Kaya sinikap talaga naming gumawa ng drowing na maganda, tama, at makatutulong
sa pag-unawa.
Sana sa drowing pa lang marami ka nang maintindihan.

MAY GLOSARYO.
Historikal na nobela ang babasahin mo.
Kaya natural may mga salitang hindi mo maiintindihan. Agad.
Kung titingin ka sa likod ng aklat, naroon ang kahulugang hinahanap mo.
Kung wala, sulatan mo ako sa serpao@gmail.com at baka isama ko sa susunod na
edisyon.

...........

--serPAO.
Marikina
2022

₱510.00
Author: 
Paolo Ven B. Paculan
Category: 
Weight: 
0.5 kg
ISBN: 
9786214481767
Imprint: 
Bluebooks
Format: 
Print
Language: 
Filipino