Lilok ng Lilo: Mga Tula

Lilok Ng Lilo ang ikalimang aklat ng tula ni Lamberto E. Antonio.  Panahunang 1970-1997 ang saklaw ng pagkalathala ng apat pang librong nagpatunay sa kapangyarihan ng tinig niya bilang makata.  Kasama sa kasalukuyang kalipunan ang isang kronikang sumasangguni sa naunang mga pagpapahalaga ng mga kritiko sa pananalinghaga niya.

Pantustos ang Lilok sa gayong mga pananaw, isa ang buhat sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagkaloob sa kaniya ng kauna-unahang Dangal ni Balagtas.  Gawad itong ibinatay sa mga tula ni LEA na “ang kisig ay nasa tinig at ang talas ay nasa titig mula at tungo sa isinaharayang makukulay na tauhang nasa kapani-paniwalang panahon o pook, bukod sa nag-iiwi ng parirala at paradohang nagsasaranggola sa hanggahan ng nayon at lungsod.”

Isang prolipikong prosista, nagbabalik siyang “higit na makata,” sa pamamagitan ng Lilok na humuhugot ng bisa sa muling paglikha at panibagong pakahulugan sa “mga sentimyento at paniniwalang pinakadama at pinakalirip.”

₱370.00
Author: 
Lamberto E. Antonio
Category: 
Weight: 
0.2 kg
ISBN: 
9789715507462
Imprint: 
AUP Imprint
Language: 
Filipino