Nagkatunggali ang magkaibayong paniniwala ng magkasintahang Mig at Rina noong mga huling taon ng martial law, nang pinairal na ng rehimeng Marcos ang Public Detention Act (PDA), isang mapanghamig na kautusan ng desperadong pamahalaan na nagkakaloob ng kapangyarihan sa military-kapulisan na dakpin nang walang arrest warrant ang sino mang napaghinalaang banta sa seguridad ng estado.
Sabi ng kritiko at iskolar sa pag-aaaral ng panitikan at ng relasyong pangkultura ng Pilipinas-Amerika, Epifanio San Juan, Jr.: “naipahiwatig ni Abueg (sa nobelang ito) ang masidhing usaping sumasalalay sa tinangkang pagsalikop ng mga buhay nina Mig, Rina, Clarita, atbp.: indibidwalismo verus sakripisyo ng sarili sa kapakanan ng masa. Sa ibang kataga: egotismo o solidaridad. Sa dagling paglagom, ang hidwaan ng dalawang panig ng pangitaing panlipunan sa nobela ay maisisiksik sa argumentong tanong: pansariling kabutihan o katarungang panlipunan—magkasalungat ba ito, kaya dapat pumili ang taong may konsiyensiya’t pananagutan sa panahon ng ligalig?”
Sa kaligiran ng kaisipang natalakay ni Dr. San Juan, Jr., hahanapin ng mga tauhan sa makapigil-hiningang mga pangyayari sa nobelang ito ang solusyon sa kanilang dilemma, sa walang katapusang argumento at tagisan sa kasiyahang pangkatawan, sa mga damdamin nilang hindi maapuhap ang kalikasan at kahulugan.
Published in 2014.