Sa Relasyon, dalawampu’t siyam na kuwento ang natipon na pumapaksa sa iba-ibang relasyong kakambal ng relasyon ng produksiyon at ng sexualidad. May magaan at masayang nagkukuwento ng relasyong mag-asawa samantalang naikukuwento rin ang di-masayang katunayan ng kahirapang siyang sumusubok sa “pagmamahalan.” Matinding ligalig ang iniiwan ng mga kuwentong ito sa mambabasa at nag-uudyok na mag-isip nang malalim tungkol sa mga bagay-bagay sa kasalukuyang lipunan na humuhubog sa namamayaning idea ng pagkalalaki, pagkababae, at pagkabading na pawang humahantong sa pagkasiphayo, pagdurusa, kaapihan, at kaligayahan ng mga indibidwal sa loob ng relasyon naturan.
₱455.00
Category:
ISBN:
9789715507356
Imprint:
Ateneo de Manila University Press
Format:
ePUB
Language:
Filipino
Best read using:
Adobe Digital Editions