
ng Pansit Luglog, Halo-halo, Atbp. sa Kuwentuhang Malabon ay katipunan ng mga sanaysay na naglalahad ng mga alaala at danas ng labinsiyam na may-akda kaugnay ng kanilang kabataan sa noon ay Malabon, Rizal (naging Malabon, Metro Manila noong 1975; naging Malabon City noong 2001). Isang natatangi at makulay na tala ng isang bahagi ng buhay, kultura, at kasaysayan ng Malabon. Isang batis para pagnilayan ng mga mambabasa, at alay sa mga minamahal na taga-Malabon ng nakalipas, kasalukuyan, at hinaharap.
“Maliit lamang ang Malabon. Pero sino ang hindi nakakakilala sa lugar na ito, na sikat sa mga pagkaing dinarayo ng marami, tulad ng pansit Malabon, sapin-sapin, tinapang bangus, patis, at iba pa? Mayroon ding ilang sikat na taga-Malabon, tulad ng makatang si Ildefonso Santos. Sino ang hindi nakakaalam kung nasaan ang EDSA? Pero alam ba ninyo na tubong Malabon ang bayaning nagbigay ng ngalan sa mahabang lansangang ito? Si Epifanio de los Santos. EDSA—Epifanio de los Santos Avenue.”
—Aurora E. Batnag
Mula sa “Varayti ng Wika sa Lupaing Walang Lupa”
tagasalin, editor, taga-Malabon
Product details of (eBook)
- Default format: EPUB/PDF
- Exclusive eBook reader (Adobe Digital Edition)
- How to Order: Click on Buy Now, select your preferred payment method such as Gcash, Laz Wallet, Debit/Credit Card
- Please make sure you provide your active email address upon checking out
- Will be delivered to your email address within 24 to 48 hours except weekends.
- You will receive a redemption PASSCODE with the PDF GUIDE on how to properly download and sync the eBook to all your working devices. PLEASE READ THE INSTRUCTIONS CAREFULLY.”
- Compatible with Android phones, iPhones, Tablets and Laptops