(E-BOOK) Mga Kagila-Gilalas na Pakikipagsapalaran: Mga Tulang Nahalungkat sa Bukbuking Baul

Ang librong ito’y ikalawang edisyon, hindi ikalawang paglilimbag lamang, sa dahilang nirebisa ko nang bahagya ang ilang tula. Ang mga pagbabago—mga katagang kinaltas pagkat kalabisan na, mga pantig na idinagdag alang-alang sa ritmo, mga baybay na binago, isang pamagat na pinalitan—ay maliliit lamang at hindi na kailangang idetalye. Sapat nang sabihing wala namang nabago sa kahulugan o kabuluhan.

Hindi ko rin ginalaw ang ilang linsad na tugma at sukat na pinupuna ng ilang kritiko, tulad ng kombinasyong daliri/sarili sa tulang “Batikabesa,” maya/lupa sa “Bagay-bagay,” inalintana/bintanaat mangyari/tili sa “May Bagyo Ma’t May Dihm.” Bagamat Cebuano ang kinagisnan kong wika, alam ko naman ang bigkas ng mga salitang iyan sa Tagalog; alam kong hindi sila magkatugma. Pero hindi lamang tugma ang instrumentong maaaring gamitin ng isang mambeberso, at sa kalipunang ito ay maraming halimbawa ng biglaang pagbibigay sa mambabasa ng bagay na hindi niya inaasahan, o di-pagbibigay ng kanyang inaasahan, at marami ring sadyang pagsuway sa mga batas ng panulaang Tagalog at sadyang pang-iinis sa mga tradisyonalista ng nilalaman at anyo.

₱350.00
Author: 
Jose F. Lacaba
Category: 
ISBN: 
9789715507257
Imprint: 
Bughaw
Format: 
ePUB
Language: 
Filipino
Best read using: 
Adobe Digital Editions