Nahahati sa tatlong bahagi ang Ikalawang Edisyon ng aklat na ito. Nasa unang bahagi ang pagpapakilala sa iba-ibang rehistrong pangwika. Dito palalalimin ang idea ng pagkakaroon ng mga pamayanan ng mga tagapagsalita. Nandito ang aspektong interkultural ng malayuning komunikasyon, gayong maipakikilala ang iba’t ibang wikang bumubuo ng iba’t ibang pamayananng mga tagapagsalita. Sa ikalawang bahagi, ipakikilala sa mag-aaral ang pinapasok niyang pamayanan ng mga tagapagsalita sa pamantasan sa pamamagitan ng pagtuntong sa usapin ng sining panretorika. Dito naman palalalimin ang aspektong kultural ng malayuning komunikasyon nang espesipiko sa pamayanan ng mga tagapagsalita ng pamantasan. Masasabi pang ang tanging ganito lamang na pagpapalalim ang makakayang pagpapalalim ng pamantasan gayong ito ang kaniyang binubuong pamayanan. Sa ikatlong bahagi, tatalakayin naman ang multimodalidad ng wika bilang pagkilala na lumalampas sa paggamit sa salita ang pakikipagtalastasan.
Inilathala 2022.