Nilagom ko ang mga aktibidad ko sa nakaraang halos 30 taon sa sanaysay na batayan ng pamagat ng aklat na ito. Pagkatapos, ang anim na sumunod na sanaysay ay mga dramatisasyon, ilustrasyon, at elaborasyon ng aking mga pangunahing haka. Mapapansing halos nakatuon ang panahunan ng aking pagtitig sa bandang wakas ng ika-19 siglo at sa unang hati ng ika-20 siglo. Estratehiko para sa akin ang pagpili sa panahong 1882-1903, lalo na sa panitikan ng Katipunan, upang itanghal ang malinaw na pagsasapin-sapin ng katutubo, banyagang popular, at banyagang makabago. Nabigyan ako ng pagkakataon upang ipaliwanag pa ang naturang mga sapin.
Virgilio S. Almario
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
₱500.00
Category:
ISBN:
9786214480869
Imprint:
Ateneo de Manila University Press
Language:
Filipino
Best read using:
Adobe Digital Editions