Doña Perfecta

Lumabas noong 1876, ang Doña Perfecta ang pinakakilalang nobela ni Benito Pérez Galdós (1843–1920), ang pinakaprolipikong nobelistang Espanyol noong siglo 19. Sa obrang ito, nagtatagisan ang modernidad at konserbatismo. Dito rin unang ipinakita ni Pérez Galdós ang anti-klerikalismong gagamiting bala ng kaniyang mga kritiko upang apat na ulit na harangin ang nominasyon niya sa Premio Nobel sa Literatura.  Hindi iilan na nakabása ng nobela sa Pilipinas ang nakapansin sa pagkakahawig sa mga kuwento ng Doña Perfecta sa Noli Me Tángere, isang dahilan upang basahin at pag-aralan ang nobela at ang posibleng impluwensiya nito kay Jose Rizal.  Mabibigyang-linaw din ng nobela na ang anti-klerikalismo ng mga ilustradong Pilipino noong panahon ng Propaganda ay suliraning panlipunan di lamang sa Pilipinas kundi sa Espanya rin.

Inilathala 2024.

₱575.00
Author: 
Benito Pérez Galdós (awtor), Wystan de la Peña (tagasalin)
Category: 
Weight: 
0.39 kg
ISBN: 
9786214483419
Imprint: 
Bughaw
Format: 
Print
Language: 
Filipino