
Bumalik si Marisse sa Pilipinas matapos ang biglaang pagkamatay ng kanyang asawa, si Fidel. Isa sa mga nakiramay ay si Monette, abogada at kasamahan ni Fidel. Sa gitna ng pagluluksa, nagsimulang magduda si Marisse sa babaing tila may dalang lungkot na hindi maipaliwanag para sa kanyang yumaong asawa.
Sa kanyang paghahanap ng kasagutan, matutuklasan ni Marisse na baka hindi pala niya lubos na kilala ang kanyang asawa, dahilan para makaramdam siya ng takot at kaba.
Ang Babaing Iyon ay isang kwento ng inaakalang pagtataksil at paghahanap sa katotohanang, kahit matagpuan, ay hindi laging magbibigay ng kapayapaan. Sapagkat may mga sagot na nauuwi pa rin sa maraming tanong.
Inilathala 2025.
₱400.00
Category:
Weight:
0.5 kg
ISBN:
9786214484362
Imprint:
Bughaw
Format:
Print
Language:
Filipino



