Versus: Mga Kuwento

Binubuo ng labindalawang kuwento ang Versus na gumagalugad sa iba’t ibang uri ng pakikipagtunggalian. Sa pamamagitan ng moderno at eksperimental na paraan ng pagkukuwento, makikilala sa mga akda ang isang lalaking sinunog ang sarili, ang mga bagong uri ng tao, at ang isang drag queen na nakikipagtunggalian sa likás; ang mga tauhang pulubi, prostitute, at serial killer na nakikipagtunggalian sa kanilang manunulat; ang isang manunulat na hindi kasundo ang sariling ama, ang gurong walang alam sa teknolohiya, at ang isang online seller na nakikipagtunggalian sa pandemya; at ang tumatandang dalaga na naging aswang, ang manunulat na hindi makapagsulat, at ang bading na nakikipagtunggalian sa pag-ibig. Subalit sa gitna ng mga tunggaliang ito, lilitaw ang pakikipag-ugnayan, pagbubuo ng mga bagong relasyon, at pagtakas sa mga kinasanayan sa lipunang Pilipino.

Inilathala 2026.

₱595.00
Author: 
DJ Ellamil
Category: 
Weight: 
0.5 kg
ISBN: 
9786214484683
Imprint: 
Bughaw
Format: 
Print
Language: 
Filipino