Walong Diwata ng Pagkahulog bagong edisyon (Tomo 1 ng Trilohiya ng mga Bilang)

Narito ang isang tauhan: si Karl Daniel. Nabubuhay siya sa iba’t ibang pangalan. Siya si Ayel sa Tito Tony at Lola Bining niya na nagpalaki sa kaniya sa Atisan matapos siyang iwan ng Mama niyang kayang makipag-usap sa mga isda. O ang Atisan Boy sa mga kababata niyang sina Glen, Michael, at Erik na nagpakilala sa kaniya sa lamig ng bundok at pag-iisa. Siya rin si Delka Linar, ang kinarambolang buo niyang pangalan na itinawag niya sa akala niya’y gawa-gawa lang niyang kaibigang duwende. At si Arcangel na bida sa di niya matapos-tapos na nobela tungkol sa mga diwata. Para kay Teresa, ang babaeng nakakabasa ng isip niya kapag gabi, siya naman si Karl Kabute—dahil basta-basta raw siya lumilitaw at basta-basta rin nawawala. Pero para sa iba pang minahal niya pero di naman siya nakilala talaga, tulad ni Orange, ang isa sa triplets ng magpuprutas sa San Pablo, basta siya si Daniel. Pero alam ng Tiyanak—na akala niya’y natakasan na niya noong bata pa siya pero buong buhay pala siyang sinusundan—na wala sa mga pangalang ito ang totoong dahilan ng lahat ng kaniyang lungkot at pagkahulog.

₱450.00
Author: 
Edgar Calabia Samar
Category: 
Weight: 
0.5 kg
ISBN: 
9786214482849
Imprint: 
Bughaw
Format: 
Print
Language: 
Filipino