
Anong meron sa nobela? Nakapag-iisip ba ito hiwalay sa nobelista’t mambabasa? Anong buhay ang naghihintay sa mga tauhan pagkatapos ng kuwento? Natatapos nga ba talaga ang mga kuwento? Ito ang mga nais pagwariin ng Ang Landas Palabas ng Nobela. Ginagalugad nito ang mga “tagong panulat” (ayon kay Reza Negarestani), ang diseminasyon ng naratibo na parang mga butil ng alabok, at ang paglampas sa mahahalagang chronotope (ayon kay Mikhail Bakhtin) ng dalawang nobela ni Jose Rizal. Sa ganito, inaasahang makita ang pagwawakas bilang palabas (exit, ending, at spectacle), na nagpapamalas sa pangangatawan at paghulagpos ng nobela sa sarili nitong estruktura, disenyo, at sensibilidad.
Inilathala 2025.