Ang Bayang Panitikan: Ang Pagtatanghal ng Kabanalan sa Pakil, Laguna

Tinutunton ng aklat na ito kung paano nabubuo ang isang komunidad sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga gawaing sinusuhay ng isang panitikang nagtatanghal ng kabanalan. Mula sa masinsing dokumentasyon at etnograpikong pag-aaral ng Turumba at kakawing na mga banal na gawain sa bayan ng Pakil, Laguna, pinalilitaw ng Ang Bayang Panitikan ang mahalagang ugnayan ng topograpiya, naratibo, pagtatanghal, at panata at ang papel nito sa pagtataguyod ng tradisyon at ng isang kamalayang pambayan. Sinusuri din ng pag-aaral ang mga tekstong orál at nakasulat na nagsisilbing padron ng mga banal na gawain at sinisiyasat ang pagsasagawa nito sa lente ng dulaan at pagtatanghal. Sa huli, tinatangkang ilatag ng aklat ang dalumat ng “bayang panitikan” mula sa karanasan ng Pakil bilang komunidad ng mga sagisag, teksto, at pagtatanghal ng panitikan.

Inilathala 2024.

₱595.00
Author: 
Jerry C. Respeto
Weight: 
0.8 kg
ISBN: 
9786214483594
Imprint: 
Ateneo de Manila University Press
Format: 
Print
Language: 
Filipino