Ang Wikang Pambansa at Amerikanisasyon: Isang Kasaysayan ng Pakikihamok ng Filipino para maging Wikang Pambansa

Ito ay isang “kontrabidang kasaysayan” ng Filipinas. Kontrabida dahil sinisipat ang nagdaang dokumentadong kasaysayang salungat sa salaysay na pinairal ng amerikanisadong pagtanaw sa Filipino bilang Wikang Pambansa. Naniniwala ang awtor na biktima ng dominado’t amerikanisadong edukasyon ang kamulátang Filipino. Dahil dito, hindi makairal ang nasyonalistang pagtanaw sa kasaysayan. Hindi tuloy nakikíta ang halaga ng isang katutubòng wika para sa Filipinisasyon na pangarap ng mga Propagandista ng La Solidaridad at para sa adhikang mapagpalayà ng Himagsikang 1896. Ang pagpapahalaga sa isang katutubòng wikang pambansa ay labag na labag sa adhikang kolonyal ng mga Americano noong 1898. Kayâ hanggang ngayon ay patuloy na binabaluktot ng mga amerikanisado sa hanay ng mga edukadong Filipino ang totoong kasaysayan at pagbibigay ng kabuluhan sa Wikang Pambansa.

Inilathala 2023.

₱750.00
Author: 
Virgilio S. Almario
Weight: 
0.8 kg
ISBN: 
9786214482719
Imprint: 
Ateneo de Manila University Press
Format: 
Print
Language: 
Filipino