Sa mga personal na sanaysay, naitatala ni Rofel G. Brion ang buhay sa pang-araw-araw nitong anyo—ang mga pakikipagkita niya sa mga kaibigan, pagsakay ng tren pauwi mula sa trabaho, pagdiriwang ng kaarawan at kasal, paglalakbay sa loob at labas ng bansa—kung saan namamalas ang kagila-gilalas sa mga pangkaraniwan. Malinaw at masinsin, taglay ng Saglit: Alaala’t Muni ang mga meditasyon ng awtor hinggil sa panahon at kawalan, mga tagpo sa buhay at mga pagkawalay, at ang mumunting ligaya sa bawat sandaling tigib ng talinghaga.
Inilathala 2022
₱545.00
Category:
ISBN:
9786214482061
Imprint:
Bughaw
Format:
PDF
Language:
English
Best read using:
Adobe Digital Editions