Ang Kartograpiya ng Pagguho

Ang Kartograpiya ng Pagguho ay kuwento ng bigong pag-ibig sa apat na yugto. May iniiwan umanong bakas ang bawat pagdaraop. Sa gayon, tungkol din ang koleksiyon sa iba’t ibang paglalakbay at lunan, sa bawat sandaling nag-uumapaw ang damdamin sa katawan at nag-uukit ng alaala sa iniiralang sandali at lunan. Subalit hindi lamang gunita ang Kartograpiya kundi isa ring liham ng pag-ibig sa lahat ng nawaglit: mga taong minahal, mga iniwanang lugar, ang buong daigdig nating nasusunog sa bingit ng pagguho. Mga limot na bayan. Mga lumulubog na pulo. Mga basyo ng punglo. Bahagyang luksampati at bahagyang paluwalhati, tangka nitong imapa ang pagguho ng mundo sa iba’t iba nitong anyo, maging ang pagbalong ng rilag sa lahat ng pagkabigo. Sa lahat ng pag-ibig kahit nabigo. Sa lahat ng guho. Hindi dahil alindog lagi ang paglalaho kundi dahil minsan tayong nagmahal at minsan nitong binago ang mapa ng mundo.

Inilathala 2022.

₱495.00
Author: 
Ralph Fonte
Category: 
Weight: 
0.33 kg
ISBN: 
9786214481804
Imprint: 
Bughaw
Format: 
Print
Language: 
Filipino