Halina sa Ating Bukas: Isang Nobela

Sa kauna-unahang nobela ni Macario Pineda, pinagtibay niya ang reputasyon niya hindi lamang bilang isang walang-kapantay na manlilikha ng buhay sa nayon. Ipinamalas din niya sa mahabang naratibo ang malalim na kamalayang panlipunan na nagtampok sa mga pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa iba't ibang mukha ng karahasan at kawalang-katarungan upang sikaping makamit ang isang kaaya-ayang kinabukasan.

Pinatutunayan ng nobelang ito ni Macario Pineda na mahalaga ang naging papel niya sa pagpapayabong ng nobelang Tagalog, sa pagpapaunlad ng sining ng nobela, at sa pagpapatuloy ng dayalogo sa pagitan ng nakaraan at ng kasalukuyan, ng kasalukuyan at ng kinabukasan. Isang higanteng tanikala ang nagkakawing sa mga bahaging ito ng ating kasaysayan at lipunan.

Ang Halina sa Ating Bukas ay isang paanyaya upang bigyang-buhay pa ang mga posibilidad na bumuo sa ating buhay at karanasan bilang mamamayan sa isang partikular na lipunan. —Mula sa Introduksiyon ni Soledad S. Reyes

Published in 2012.

₱260.00
Author: 
Macario Pineda
Category: 
Weight: 
0.263 kg
ISBN: 
9789715506526
Imprint: 
AUP Imprint
Language: 
Filipino