Bagamat may iba't ibang pagka-Bikolnon na inihaharap ang mga taga-Bikol na nagmumula sa iba't ibang bahagi ng Bikol, sapat na nabubuhol o napagkakaisahan ang pinag-oorosipon: ang banwang Bikolnon. Gayundin samakatwid sa pagkabayan ng Pilipinas. Sa kabila ng pagkakaroon ng iba't ibang grupong etnikong Filipino na may kani-kanilang pagka-Filipino, sapat ma nabubuhol ng pag-oorosipon ng mga Filipino ang pinag-oorosipon: ang bayang Pilipinas.
Ang lumalabas na suliranin ay ganito: paano kung may hindi nakakasali sa pag-orosipon ng bayang Pilipinas? Paano kung hindi pag-orosipon ang nangyayari kundi naratibo, o sa ibang salita, dominasyon?
Lumilitaw sa mga osipon ni Ana T. Calixto ang pakikipag-orosipon ng Bikolnong babae sa bayang Pilipinas. Ipinapahiwatig ng mga osipon ni Calixto ang mensaheng "Pilipino ako pero babae at Bikolnon din."
Inilathala 2018.