Doble Tres, Doble Uno: 33 Sanaysay sa Pamilya at Lipunang Pilipino

Ang pagbabalik sa mga peryodikong sanaysay ni Antonio ay napapanahon, lalo’t naghahanap ng padron ang mga estudyante para sa mga akdang tinatakan ng “sanaysay.” Bagaman maipapalagay na higit na personal kaysa akademiko ang talakay ni Antonio sa kaniyang mga sanaysay, at lumilihis ngunit lumilingon sa pakahulugan ni Alejandro G. Abadilla, ang mga akda ni Antonio ay humuhulagpos sa tradisyonal na pakahulugan ng “sanaysay” at naghahanap ng karagdagang pagpapaliwanag at pakahulugan. Malaya kung gayon ang sinuman na tawagin ang ilang piyesa niya na “dagli,” “tulang tuluyan,” “pasingaw,” at “komentaryo,” ngunit ang pinakapuso ay walang pasubaling nagpapanukala ng bagong kumbensiyon sa pag-unawa ng saysay mula sa mga salaysay. —Mula sa Introduksiyon ni Roberto T. Añonuevo.

Published in 2013.

₱230.00
Author: 
Lamberto E. Antonio
Category: 
Weight: 
0.254 kg
ISBN: 
9789715506687
Imprint: 
AUP Imprint
Language: 
Filipino