Aklat ng Ulat: Mga Sanaysay sa Dalawang Dekada ng Pamamahayag

May dalawang dahilan kung bakit walang pasubaling inilathala ang koleksiyong ito ng Ateneo de Manila University Press. Unang-una, mahalaga sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikan ni Antonio ang anumang mula sa kanyang panulat. Higit na nagiging buo ang pag-unawa sa isang manunulat kung nailalagay ang bawat akda sa konteksto ng kabuuan ng kanyang mga nilikha. . . .

Ikalawa at higit na matimbang—tulad na rin ng sinabi ni Antonio sa kanyang paunang-salita, lumilingon ito sa “tradisyon ng pamahayagang sinasagisag nina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute) at Amado V. Hernandez, parehong malikhaing manunulat na isinabay ang pagsilo ng talinghaga sa pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga balita.” Ang pagtanaw na ito ay hindi lamang pagkilala kina Huseng Batute, Ka Amado at maging sa mga nauna sa kanila tulad nina Lope K. Santos at Benigno R. Ramos. Pagpapahalaga ito sa panahong ang wikang katutubo ay kapwa wika ng panitikan at ng diskursong panlipunan. —

- Jose Mario C. Francisco, S.J.

Isa si Lamberto E. Antonio sa pinakaprolipikong manunulat sa Filipino na maani bilang peryodista, makata, kuwentista, nobelista, mananaysay at scriptwriter. Kinikilala ang kanyang impluwensiya sa larangan ng pamahayagang nakalimbag. Nag-editor at nagkolum sa mga peryodiko at magasin, premyado si LEA sa halos lahat ng timpalak pampanitikan at tumanggap ng iba’t ibang gawad dahil sa kontribusyon niya sa panitikan at pamamahayag. Nakapagpalibro na siya ng koleksiyon ng mga tula, kuwento, sanaysay at maikling nobela. Ang Aklat ng Ulat ang kanyang kauna-unahan at matustusing halimbawa ng “pamamahayag pampanitikan” na pana-panahong tatak ng karera niya. Siya ang sumulat ng script ng Insiang, ang kauna-unahang pelikulang Pilipino na itinanghal sa Cannes Film Festival. Isa ring translator, kabilang sa naisalin sa Filipino ni LEA ang mga akda ng mga pangunahing manunulat na dayuhan.

Published in 2011.

₱405.00
Author: 
Lamberto E. Antonio
Category: 
Weight: 
0.401 kg
ISBN: 
9789715506397
Imprint: 
AUP Imprint
Language: 
Filipino