Sa pagtitipon ng mga maikling kuwentong nagtatampok sa karanasan ng LGBTQIA+ na nagtatanghal sa iba’t ibang identidad at relasyong personal at pangkapangyarihan, naglalarawan sa kasalukuyang lipunan sa iba’t ibang manipestasyon nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa, at patuloy na humihiraya sa posibilidad ng mas maalwang kinabukasan para sa lahat ng kasarian, inaasahang mabigyan ang mambabasa—miyembro man ng komunidad ng LGBTQIA+ o hindi—ng bagong pagsipat sa kanyang paligid at sa mga taong kanyang nakakasalamuha.
Binubuklod ng antolohiyang ito ang tinig ng LGBTQIA+ na manunulat, ang ating mambabasa, ang ating publiko, ang iba pang mga pahina ng pambansang panitikan at kontraryong politika—ang asersyon na maging kaiba, may solidaridad ng hanay, may kaisahan at pakikiisa sa iba pang identidad at aspekto ng pagkamamamayan na inaapi, ang pangangailangang baguhin ang lipunan, kasaysayan, at modernidad ng pagdanas.
Inilathala 2022.